Na-quarantine ba pati ang love life mo? Hindi ba makalabas ang umaapaw mong pagmamahal ? Are you single and ready to mingle? Pero bawal ang gatherings, bawal mag bar, bawal magparty! HOW BA?! Madali lang actually. Ang sagot: DATING APPS.
Dating apps are websites kung saan puede kang makakilala ng iba’t ibang tao. Habang inaayos mo profile mo, ihahanap ka ng mga dating sites ng mga magmamatch sa yo base sa profile mo.
LIST – Popular dating apps sa Pilipinas
You have the option to choose between a kapwa Pinoy or a foreigner. In fact, madami sa mga Pinoy ang nakakahanap ng mapapang-asawa na ibang lahi through dating sites.
Pero teka muna, hindi lahat ng makakausap mo ay magiging tama para sayo. Kelangan maging wise. So, I have listed some tips on how to find the perfect match on dating sites.
1. Catch attention and keep it
Parang commercial lang. Make your profile interesting. In short, wag kang boring. The crush likes a challenge so don’t put everything on the plate. Sa halip na sabihin mo na “I’m kind, sexy, and patient.” pwede mo i-level up “I have a Zoom class and teach kids music” Remember, online dating to kaya di nyo kita isa’t isa at di kayo personal na nagkakausap.
2. Describe what you do in an exciting way
Remember, naghahanap ka ng ka match so dapat ang isusulat mo tungkol sa sarili mo is something you are an expert at. Sa gayon, you will find the match who can be interested in what you do, who is an expert as you are, or who is more experienced than you. Sa ganitong paraan, madami kayo mapapag usapan.
3. Post your photo
Kapag wala kang picture, mababa ang chance na may makipag chat sa yo. Bakit? Dahil iisipin nila na hindi ka totoong tao or worse, peke ang account mo. Don’t post too good to be true photos. Post real life photos. Example, picture mo nong nasa beach ka o kaya picture mo habang nasa work ka. May kasabihan nga, a picture can paint a thousand words. Ibig sabihin, sa picture mo pa lang, makikilala ka na agad. The truth is, madaming tao ang mahilig mag judge kahit sa picture pa lang.
Rules in chatting
Here comes the exciting part. The getting to know each other stage. Kung nagawa mo ng tama ang 1, 2, at 3, chances are, madami makikipagchat sa yo.
1. Encourage an interesting conversation
So, the basic questions are: How are you? What do you do? Where are you from? Kapag tinanong ka, don’t just answer with only one word. Where are you from? Don’t just say, “Cebu.” Say, “Cebu, 30 minutes away from the beaches, like mo ba magbeach?” In short, don’t be boring. I encourage mo din ang kachat mo na magsabi ng tungkol sa sarili nila. Let’s say your chatmate is from Los Angeles, you can ask, “How is the situation there? I see on the news New York was hit hard by the virus.”
2. Be responsive but not too responsive
When chatting, make sure nagrereply ka pero wag all the time instant reply ka. Magkakaron sya ng impression na wala ka ibang ginagawa kundi magchat. Wag ka masyado obvious teh! Pa hard to get ng konti.
3. Be natural
Wag ka magpretend to be somebody na hindi naman ikaw. Kapag nagpapanggap ka, malalaman yan ng kachat mo base sa mga sinasabi mo. Sa pagkukunwari, mawawala ang consistency. Ang ending, you will lose the chance to find the perfect match. Sayang lang ang oras mo.
4. Have fun!
This is the best part. Wag mo masyado seryosohin. Wag ka masyado mag pa impress. Stressful na nga ang virus, magpapastress ka pa din ba sa kausap mo?
Finding the perfect match, especially on dating sites, takes time. Sa una puedeng masaya pero as time goes by, some may lose that spark. If that happens, isa lang ibig sabihin: di mo pa nakikita perfect match mo. But when you do, then it’s time to move on the next level, the meet-in-person level. Good luck and find that perfect match!